Ibinida ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang matagumpay na paglulunsad ng OFW Kabuhayan Expo na pinaka-unang whole-of-society initiative upang masuportahan ang mga Overseas Filipino Worker o OFW.
Sa panayam ng programang BOSES kay OWWA Administrator PY Caunan sinabi nitong mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matutukan ang pangangailangan ng mga umuwing OFW lalo na sa pagbibigay sa kanila ng kabuhayan at mapagkakakitaan.
Ani Caunan kapit-bisig hindi lang ang mga ahensiya ng pamahlaan kundi maging ang pribadong sektor upang mapalawak ang mga oportunidad para sa mga OFW. | via Eph Gaytos