Photo by Bureau of Fire Protection FB
Naka-activate na ang Emergency Operations Center ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani.
Ayon kay BFP Officer-in-Charge FCSupt Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, nasa full alert status o Code Red ang Regions 11 at 12 upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa mga apektadong lugar.
Nakipagtulungan ang BFP sa local disaster offices para sa clearing operations, evacuation monitoring, at damage assessment.
Batay sa tala,umabot sa 969 indibidwal ang unang nailikas mula sa mga apektadong komunidad.
Nag-deploy din ang BFP ng search and rescue personnel, fire trucks, ambulansya, at iba pang assets para sa operasyon.
Iniulat din ang mga nasawi sa ilang lugar sa Region 11 at 12.
Sa ngayon patuloy ang search and rescue at assistance operations ng BFP sa mga apektadong komunidad.