Tugon ito ng Pangulo sa harap ng mga obserbasyong pinakamariin ang Pilipinas sa pagtutol sa mga kilos ng China kumpara sa ibang mga bansa kaugnay ng nagpapatuloy na territorial dispute.
Ayon sa Pangulo, hindi tama na ilarawan ang Pilipinas bilang agresibo kasabay ng pahayag na ang pagiging agresibo ay nangangahulugan ng pagsisimula o pag-uudyok ng isang uri ng sigalot.
Hindi kailanman aniya ito ginawa ng Pilipinas na nagpasimuno ng anumang komprontasyon at sa halip ay nananatili lamang aniya tayo sa sariling teritoryo habang ipinagtatanggol ang mga karapatan nito.
Binigyang-diin rin ng Pangulo na ang mga aksiyon ng pamahalaan ay nakatuon sa pagtatanggol sa soberanya at national interest at hindi sa paglikha ng tensyon o pakikipag away sa ibang bansa.