Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region ang mga industriya na palakasin ang water conservation measures habang naghahanda ang Metro Manila sa posibleng water stress.
Kabilang sa mga isinusulong ang wastewater recycling, reuse at resource recovery, kabilang ang wastong paggamit ng treated wastewater.
Ayon sa ahensya, makatutulong ang water-efficient technologies upang mabawasan ang pangangailangan sa fresh water lalo na sa panahon ng matinding tagtuyot.
Gayunman, binigyang-diin na kailangang maayos na tratuhin ang wastewater bago ito muling gamitin o itapon.
Patuloy ding hinihikayat ang mga negosyo at iba pang water users na magpatupad ng sustainable wastewater-management practices. Layunin ng mga hakbang na mapangalagaan ang suplay ng tubig habang napipigilan din ang paglala ng water pollution sa Metro Manila.