Photo courtesy of National Irrigation Administration
Naglagay na ng limang mobile solar-powered irrigation pump ang National Irrigation Administration Region 2 sa lalawigan ng Cagayan upang matugunan ang kakulangan sa tubig sa mga sakahan.
Sa ulat ng NIA, apektado ang mga magsasaka sa mababang antas ng tubig sa Cagayan River, na nagdulot ng pagkatuyo at pagkasira ng mga punla.
Ayon sa Muhara Irrigators’ Association, nalugi ang ilang magsasaka at nadagdagan ang kanilang mga utang dahil sa nasirang pananim.
Inilunsad ng NIA Region 2 ang proyekto bilang tugon sa suliranin sa irigasyon at epekto ng El Niño.
Gumagamit ang bawat unit ng solar panels at kayang patubigan ang dalawa hanggang tatlong ektarya kada araw, depende sa sikat ng araw at kondisyon ng operasyon.
Inaasahang makababawas din ang proyekto sa gastos sa gasolina at makatutulong sa pagpapanatili ng produksyon ng mga magsasaka.