Nagkaisa ang Department of Human Settlements and Urban Development at Mindanao Development Authority para pag-aralan ang pagpapalawak ng abot-kayang pabahay at community development sa BARMM.
Sa ilalim ng kasunduan, susuriin ang posibilidad ng programang “Building Better Moro Homes,” na layong magbigay ng ligtas, maayos, at abot-kayang tahanan sa mga komunidad sa rehiyon.
Kasama rin sa pag-aaral ang suporta sa transformation ng mga dating kampong may kaugnayan sa peace process.
Magsasagawa naman ang Philippine Community Housing Corporation ng feasibility study upang matukoy ang posibleng paraan ng pagpapatupad ng proyekto. Ang kasunduan ay nilagdaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Shelter Month 2026.