Hindi matiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung matatapos ang Code of Conduct sa West Philippine Sea bago ang pagsasalin ng chairship ng ASEAN sa Singapore sa Nobyembre.
Ss panayam ng Strait Times sa Singapore, inihayag ng Pangulo na mahirap tiyakin kung makukumpleto ang kasunduan pagsapit ng Nobyembre at mai- turn over sa Singapore siyang susunod na hahawak sa ASEAN chairship.
Pag-amin ni Pangulong Marcos Jr., may malaki ng progreso ukol dito subalit hindi pa siya ganuong ka- kumpiyansa para masabing matatapos ang COC sa Nobyembre.
Sa gitna nito ay tiniyak ng Pangulo na magpapatuloy ang pagsisikap para maisulong ang kasunduan at maresolba ang mga natitirang usapin.
Ang Code of Conduct ay naglalayong magtakda ng mga tuntunin at mekanismo para sa maayos na pamamahala ng mga hidwaan sa South China Sea na patuloy na isinusulong sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN at China.