doe
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin na Mayroon na umanong batas na gumagabay sa paghahanda, mga isinagawang pag-aaral, at patuloy na pakikipagtulungansa International Atomic Energy Agency (IAEA) upang suriin ang mga posibleng lokasyon para sa mga pasilidad ngenerhiyang nukleyar.
Binigyang-diin na malaking responsibilidad ang paghahanda para sa nuclear energy. Layunin nitong magkaroon ng masmaaasahang suplay ng kuryente para sa mga pamilya at negosyo, kaya mahalagang matiyak na maayos at masusingmaisasagawa ang lahat ng paghahanda.
Samantala, habang pinag-aaralan din ng iba pang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) angpaggamit ng nuclear energy, may pagkakataon ang Pilipinas na magbahagi ng karanasan at matuto mula sa mga hakbangng mga karatig-bansa nito. | ulat ni Aj Ignacio