Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Miss Global Philippines 2026 Jayvee Lyn Lorejo matapos makamit ang 3rd Runner-up title at itanghal na Miss Global 2026 Continental Queen of Asia & Oceania.
Sa ginanap na final competition ng Miss Global 2026 noong October 11, 2026, ipinakita ni Lorejo ang husay at paninindigan ng isang Filipina queen, kabilang ang kaniyang mensahe tungkol sa tunay na kahulugan ng pamumuno, paglilingkod, at pagbibigay-inspirasyon.
Sa keyword competition, nabigyan siya ng salitang “Purpose,” kung saan binigyang-diin niya na ang isang tunay na lider ay hindi lamang marunong magsalita, kundi marunong ding makinig, magbigay-boses sa iba, at maglingkod nang may malasakit.
“Joining here at Miss Global, I know my purpose, and that is to be a leader. A leader who can speak and also knows how to listen, because a true leader knows when to have their citizens be heard. And a true leader is someone who has the heart to serve its people. And that, I think, is the true Miss Global. Because when we empower one another, we empower the global nation.”
Nang makapasok sa Top 5, pinili ni Lorejo si Princess Diana (British royal at humanitarian), mula sa mga personalidad na ipinakita sa screen. Matapos ang kaniyang pagpili, inilahad ang katagang, “I lead from the heart, not the head,” na nagsilbing batayan ng kaniyang mensahe tungkol sa pagiging totoo sa sarili, pamumunong may malasakit, at pagiging instrumento ng pag-asa at pagbabago para sa bagong henerasyon.
“‘I lead from the heart, not the head.’ Joining in this beauty pageant, here in Miss Global, I make sure that I show my authentic side. I know my purpose, and that is to be genuine to all the people around me, and to show them kindness and resilience, and I hope I can be an instrument of hope and be a motivation to all younger generation, that we can be an instrument of change and we can empower one another. And I thank you.”

Bukod sa kaniyang talino sa pagsagot, ipinamalas din ni Lorejo ang kulturang Pilipino sa kaniyang Halo-halo-inspired national costume na likha ng designer na si Ehrran Montoya. Hango sa paboritong panghimagas ng mga Pilipino, tampok sa kasuotan ang makukulay na iba’t ibang sangkap ng Halo-halo.

Samantala, kinoronahang Miss Global 2026 ang kinatawan ng Thailand na si Saffron Maya Snook. Nakuha naman ni Kelly Kirstein ng United States ang 1st Runner-up, sinundan ni Bianca Nicole Miranda ng Puerto Rico bilang 2nd Runner-up. Kasunod ni Lorejo sa 3rd Runner-up spot si Myo Ma Ma ng Myanmar, na nagtapos bilang 4th Runner-up.
Ang pagkilala kay Lorejo ay kasunod ng pagkakamit ni Xena Ramos ng 4th Runner-up title noong 2025, na nagpapakita ng patuloy na pag-angat ng mga kinatawan ng Pilipinas sa Miss Global stage.
Kinilala naman si Mister Global Philippines 2026 MJ Ordillano bilang 2nd Runner-up sa Mister Global 2026.
Bagama’t hindi naiuwi ng Pilipinas ang pangunahing korona, ipinagdiwang ng mga tagasuporta ang tagumpay at husay ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.