Photos courtesy of Coast Guard District North Western Luzon
Naka-standby ang Coast Guard District North Western Luzon (CGDNWLZN) bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.
Nagsagawa ang distrito ng static display at readiness inspection sa mga rescue asset, emergency response equipment, at iba pang operational resources upang matiyak na handa ang mga ito sa agarang deployment.
Sinuri rin ang operational capability at serviceability ng mga kagamitan, at pinagtibay ang kahandaan ng mga tauhan ng Coast Guard na tumugon sa mga posibleng emergency sa karagatan, baybayin, at inland areas dahil sa umiiral na kondisyon ng panahon.
Naka-standby na ang lahat ng Deployable Response Groups o DRGs ng distrito.
Patuloy din ang koordinasyon ng CGDNWLZN sa mga lokal na pamahalaan, disaster risk reduction and management offices, partner response agencies, at iba pang stakeholder para sa mabilis at koordinadong pagtugon sa mga emergency.
Layunin ng hakbang na maprotektahan ang buhay at ari-arian, at mapangalagaan ang marine environment.