Umabot sa 275.89 meters above sea level (masl) ang kasalukuyang water level ng San Roque Dam nitong August 30, 2026, 5:00 PM.
Batay sa pinakahuling dam status, nasa 929 cubic meters per second (cms) ang inflow o pumapasok na tubig sa dam, habang nasa 280 cms naman ang outflow o inilalabas na tubig.
Samantala, nakapagtala ng 122.11 cms na discharge mula sa low-level outlet.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng tubig dulot ng pag-ulan, wala pang bukas na spillway gates sa San Roque Dam.
Patuloy namang mino-monitor ang lebel ng tubig at mga daloy nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad na maaaring maapektuhan sa downstream areas.
Photo: PDRRMO Pangasinan