Posibleng patuloy na maranasan ang mataas na heat index o alinsangan sa siyam na lugar sa bansa ngayong Miyerkules, November 4.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 43°C ang heat index na maramdaman sa Dumangas, Iloilo.
Hanggang 42°C naman ang posibleng heat index na tumama sa Coron, at Cuyo Palawan; San Jose, Occidental Mindoro; Iloilo City; Negros Occidental; Borongan, Eastern Samar; Surigao del Sur at Agusan del Norte.
Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Kahapon, umabot sa hanggang 44°C ang naitalang pinakamataas na heat index sa bansa sa Dagupan, Pangasinan at Borongan, Eastern Samar.