Nagpaabot na ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani at mga karatig-lalawigan.
Kabilang sa mga ipinadala ang mga relief goods na ipamamahagi para sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, mabilis na kumilos ang mga partner ng ahensya sa rehiyon upang maghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Sinabi ni Robles na nananatiling nakatuon ang PCSO sa pagbibigay ng suporta sa mga komunidad na nangangailangan, lalo na sa panahon ng sakuna.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ng PCSO sa mga local government unit at iba pang kaukulang ahensya upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente at mapadali ang paghahatid ng karagdagang tulong. | ulat ni Diane Lear
📸 PCSO
