Matapos ang 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani Province, agad na nagdeloy ang Department of Information and Communications Technology (DICT) DICT Region XII, ng starlink kits, charging stations at libreng internet sa ilalim ng Government Emergency and Communications System (GECS) at Free Public Internet Access Program (FPIAP) para sa mga kritikal na lugar upang suportahan ang emergency response at komunikasyon ng mga residente.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mabilis ang koordinasyon at tuloy-tuloy na komunikasyon sa panahon ng sakuna, bilang bahagi ng mas pinalakas na disaster response at digital resilience ng pamahalaan.
Narito ang mga lokasyong may libreng internet access:
โข Glan Municipal Plaza, Glan, Sarangani Province
โข PDRRMO, Alabel, Sarangani
โข Evacuation Center โ Maasim, Sarangani
โข IMT CDRRMO, General Santos City
โข IMT PDRRMO, Koronadal City, South Cotabato
โข OCD Regional Office XII, General Santos City
โข Balut Island, Sarangani
Sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense (OCD), at mga Local Government Units (LGUs), layunin nitong mapanatiling konektado ang bawat isa para sa agarang impormasyon, koordinasyon ng pamilya, at mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Patuloy ang DICT sa pagtupad ng mandato at sa pakikipag-digital bayanihan para sa mas ligtas, handa, at konektadong Pilipinas.
๐ธ DICT Region XII
#DICT#Sarangani#LindolPH#Konektado#DigitalBayanihan#BagongPilipinas