Inatasan ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga police commander na ituon ang kanilang operasyon sa pagtulong sa mga komunidad na na-isolate ng malakas na pagyanig sa Mindanao.
Ayon kay Nartatez, patuloy na pinananatili ng PNP ang presensya ng mga pulis sa mga bayan at sentro ng mga lungsod mula pa noong unang araw ng sakuna.
Aniya, nakatuon din ang kanilang mga tauhan sa mga isolated barangay upang maghatid ng tulong at matiyak ang seguridad ng mga residente.
Kabilang ang mga pulis sa mga unang rumesponde sa paglikas ng mga residente, pagbibigay ng paunang lunas, at pagdadala sa mga sugatan sa mga pagamutan.
Tiniyak naman ng PNP na nakaantabay ang karagdagang mga pulis at mga kagamitan para sa anumang deployment, habang nagpapatuloy ang mga mga operasyon at rehabilitasyon sa mga apektadong lugar. | ulat ni Diane Lear