Aminado si DPWH Secretary Vince Dizon na hindi nila kakayaning balikatin para maayos ang mga nasirang lansangan kasunod ng malakas na pagyanig na tumama sa Mindanao nitong nagdaang Lunes.
Sa ambush interview kay Dizon sa aktibidad ni Pangulong Marcos sa Quezon City ngayong araw (June 10), sinabi nito na sa sobrang lawak ng sirang nilikha ng lindol ay kakailanganin talaga nilang makuha ang tulong ng private contractors.
Ilan sa nabanggit ng kalihim na nakitaang may sirang mga kalsada ay sa Saranggani, General Santos, South Cotabato, Davao Occidental at del Sur.
Positibo naman aniya ang tugon ng mga pribadong contractors at nagpahayag ng kahandaang makatulong sa pagsasaayos ng mga napinsalang lansangan.