Dapat pang paigtingin ng Pilipinas ang pagbabantay at monitoring nito sa Bajo De Masinloc kasunod ng namataang floating structure ng China.
Ayon kay Sealight Director Ray Powell, bagaman hindi pa maituturing na paglabag sa 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea ang nakitang balsa ay dapat pa rin itong matyagan, dahil posible itong pagmulan ng mas malaking istruktura na posibleng buoin ng China sa hinaharap.
Kabilang din sa mga tinitignang posibilidad ni Powell na isang scientific o environmental survey platform ang nakitang palutang-lutang sa lagoon ng Bajo de Masinloc.