Masaya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kinalabasan ng bagong tayong Dau Building ng San Francisco National Highschool sa Bago, Bantay Quezon city na nasunog nuong June 15 noong 2025.
Sa ginawang inspeksiyon ng pangulo ay nilibot nito ang pasilidad ng paaralan at napansin ang mga sprinkler na ikinabit sa kisame ng bawat palapag.
Ayon sa pangulo, isang patunay ang bagong tayong istraktura na kapag ginamit sa tama ang pondo ng gobyerno ay ganito ang kayang magawa.
Masaya ang pangulo na nagagamit na ang Dau building ng mga mag- aaral na ngayon ay may kabuuang 36 na mga silid-aralan kaya’t wala na aniyang double shifting.
Ikinatuwa din ng pangulo ang mabilis na konstruksiyon ng nasunog na gusali na sa orihinal na 12 months completion date ay natapos sa loob ng walong buwan.