Nagsagawa ng inspeksiyon ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Department of Agriculture (DA) sa Guadalupe sa Makati City, ngayong araw.
Pinangunahan ni Trade Secretary Cristina Roque ang naturang inspeksiyon, kung saan sinuri nila kung sumusunod ba ang market vendors sa itinakdang price cap sa presyo ng basic necessities at prime commodities ng kagawaran.
Sinuri nila ang presyuhan ng bigas na tumatalima naman sa itinakdang price cap ng DA at ng DTI, kabilang din sa sinuri nila ang timbangan ng bayan.
Sa kanilang assessment ay tumatalima naman ang mga ito sa mga itinakdang presyo sa merkado ng DTI.
Samantala, aprubado rin ng Department of Agriculture ang mga presyo ng agriculture product dito sa Guadalupe Market.