Photo: Lapu-Lapu City Information Office
Natanggap ng halos 500 fisherfolks mula sa tatlong lungsod ng Cebu, ang cash assistance sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA) Central Visayas.
Mahigit sa ₱1 milyong tulong pinansiyal ang naipamahagi ng BFAR 7 sa mga benepisyaryo na bawat isa ay nakatanggap ng ₱2,325.
Ayon kay Jose Arro Jr., Information Officer ng BFAR 7, kabilang sa mga nakatanggap ang 355 fisherfolks mula sa Lapu-Lapu City, 78 mula sa Mandaue City, at 34 mula sa Cebu City.
Ang payout ay isinagawa sa Cordova Sports and Cultural Center sa bayan ng Cordova, nitong Lunes.
Ang hakbang na ito ay ginawa ng pamahalaan upang mabigyan ng agarang suporta at tulong ang rehistradong mga mangigisda na higit na nangagailangan lalo na para sa kanilang kabuhayan. | ulat ni Sheila Gravinez, Radyo Pilipinas Cebu