Nag-abiso sa mga motorista ang Caloocan LGU kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng ilang pangunahing kalsada at pagpapatupad ng traffic rerouting bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa June 12.Batay sa inilabas na traffic advisory, magsisimula ang road closure alas-10:00 ng gabi ng June 11.
Kabilang sa mga maaapektuhang kalsada ang bahagi ng 10th Avenue hanggang Monumento Circle, EDSA Southbound, Samson Road hanggang Monumento Circle, at MacArthur Highway Northbound.
Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta, maglaan ng mas maagang oras ng biyahe, at sundin ang mga tagubilin ng mga traffic enforcer para maiwasan ang matinding pagsisikip ng trapiko.
Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang muling bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada dakong alas-12:00 ng tanghali ng June 12.





