Isinusulong ng House leaders ang isang independent investigation o agarang pagsasagawa ng malalim at independent investigation sa pagkasawi ng Ateneo student-athletes na sina Divine Adili at Rene Clert Baterbonia, matapos malunod sa isang team-building activity sa Aurora.
Nanawagan sina House Deputy Speakers Paolo Ortega V at Jefferson Khonghun, kasama si House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, na magsagawa ng “house inquiry in aid of legislation” upang matukoy ang buong katotohanan sa insidente.
Sa planong pagdinig, ay hindi lamang upang i-establish ang katotohanan sa nangyaring trahedya bagkus maging gabay sa mga mambabatas sa paggawa ng batas o amyendahan ang batas para sa mas ligtas na paaralan, sports at teambuilding activities.
Kasabay nito, hinimok ng tatlong mambabatas ang mga ahensya ng pamahalaan na pabilisin ang kanilang imbestigasyon at mga hakbang, upang agad na maihatid ang hustisya para sa mga pamilya nina Divine at Rene.#