
Muling namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ng kabuuang 5,905 Family Food Packs (FFPs) at 1,179 Hygiene Kits, bilang bahagi ng ika-11 bugso ng relief assistance para sa mga pamilyang apektado ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay.
Mula sa Baybay Warehouse, inihatid ang mga suplay patungo sa mga evacuation center sa Tabaco City, Ligao City, Camalig, at Malilipot, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga evacuees.
Nakiisa rin ang mga kawani ng 31st Infantry “Charge” Battalion ng Philippine Army sa logistics operations, kabilang ang paglipat at pagdadala ng mga suplay sa mga target na lugar bilang bahagi ng humanitarian assistance operations ng kasundaluhan.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol, mga lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang maagap na paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad. | ulat ni Helen Balean | RP Albay
📷 DSWD Bicol