Nakatakdang tumungo sa Mindanao si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III upang personal na masuri ang sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Representative Ferdinand Hernandez, patuloy na mino-monitor ni Speaker Dy ang kalagayan ng Region 12, na isa sa mga sentro ng pinsala.
Aniya, tiniyak ni Dy na may nakalaang pondo ang Kamara upang matulungan ang mga distrito na labis na naapektuhan ng pagyanig.
Una nang inihayag ng House Speaker ang kahandaan ng House of Representatives na suportahan ang emergency response at recovery efforts para sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.
Aniya, kaisa ng mga biktimang mga kababayan sa Mindanao ang Kamara at handang ihatid ang kaukulang tulong upang sila ay makabangon mula sa sakuna.#