Naglabas na ng abiso ang Department of Tourism para sa ilang mga tourist destination sarado ngayon dahil nasira o naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Isa na rito ang Ladol Beach Resort sa Brgy Ladol Alabel Sarangani Province na may mga cottage umanong gumuho dahol sa lakas ng lindol.
Sarado rin muna ang Lake Holon sa Munisipyo ng T’boli South Cotabato dahil nagkaroon ng landslide sa Mt Melibengoy at naapektuhan ang lugar.
Sarado din muna ang mga hotel sa General Santos City na nagtamo ng mga sira tulad ng Hotel San Marco, Florotel II Hotel, Jeamco Royal Hotel, Grand Summit Hotel, Sydney Hotel at Columbos Plaza Hotel.
Pinapayuhan naman ang mga turista o travelers na imonitor din muna ang mga booking sa mga hotel, resort at tour operators kung may mga kanselasyon, rebooking opsyon bago bumyahe para iwas aberya. | ulat ni Louisa Erispe