Pinaabutan ng Office of the President ng PhP100 million na financial assistance ang General Santos City, na abala sa kasalukuyan rehabilitasyon at pagtugon sa pangangailangan ng mga biktimang apektado ng 7.8 magnitude na lindol na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Sa pag-inspeksyon ng pangulo sa pinsalang iniwan ng lindol (June 10), siniguro nito ang mabilis na ginagawang assessment ng mga engineers at ng DPWH sa integridad ng mga napinsalang istruktura, daan, at mga gusali, para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa lugar.
Ang ipinagkaloob na pondo, magagamit para sa pagpapaayos sa General Santos City Hall.
Ayon kay Pangulong Marcos, huhugutin ang pondo sa ilalim ng Local Government Support Fund.
Bibigyan din aniya ang pinansyal na tulong ang lahat ng pamilya na namatayan, makakatanggap ang mga ito ng tig-PhP50,000.
Habang, bibigyan din ng tulong pinansyal ang local government ng Sarangani at South Cotabato para sa pag-aayos sa mga nasirang imprastraktura. | ulat ni Racquel Bayan