Nakaalis na sa Philippine National Police (PNP) Custoial Center sa Camp Crame si dismissed Police Lt. Col. Raphael Dumlao III.
Pasado alas-8 ng umaga nang ilipat si Dumlao sakay ng isang coaster ng PNP kasama ang mga pulis para matiyak ang kanyang seguridad habang ibinibiyahe.
Dinala siya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa kasong kidnapping with homicide.
Matatandaang si Dumlao ang itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo noong 2016.
Naaresto siya kahapon sa isang bahay sa Pasong Tamo, Quezon City.