Maituturing na basura ang testimonya ng 18 dating bodyguards ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, kaugnay sa pagde-deliver ng male-maletang pera, na umano’y mayroong kinalaman sa flood control projects.
Pahayag ito ni Communications Undersecretary Claire Castro sa gitna ng mga puna sa tila inconsistencies sa mga pahayag ng tiaguriang 18 maleta boys.
“Basura. Tutal sabi naman nila, sila ay naghahakot ng basura.” -Castro
Ayon kay Castro, hindi tatayo sa korte ang pahayag ng mga ito.
Ang ganitong klaseng mga statement aniya na pabagu-bago ay hindi papasa sa pagsusuri ng korte.
Aniya, ngayon pa lamang ay nakikita na kung ano-anong klase ang kuwento ng mga ito para lamang makapanira.
“Itong mga klase na mga statements na ito na pinuna rin na bakit ang abogado ang nagsasalita at hindi iyong 18 kargador or 18 maleta boys, hindi po ito tatayo sa korte. Iyong ganitong klaseng mga statements na pabagu-bago, hindi po ito makakapasa sa masusing mga pag-aaral at pagsusuri ng korte. So, dito pa lamang po ay makikita na natin kung anu-anong klase ang mga kuwento nila para makapanira lamang.” -Castro