Mga tauhan, pasilidad, at mahahalagang dokumento ng COMELEC, ligtas sa lindol sa Mindanao
Kinumpirma ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia na walang nasaktan sa kanilang mga kasamahan kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Aniya, matapos ang lindol ay agad niyang kinamusta ang mga kasamahan sa Mindanao at sa kabutihang palad ay walang nasaktan.
Wala rin aniyang pinsala sa kanilang mga opisina sa Mindanao maliban lang sa mga natumbang cabinet dahil sa malakas na lindol.
Ligtas din ang mga mahahalagang dokumento at walang nawawala dito.
Ginawa ang pahayag ngayong abala ang COMELEC sa paghahanda sa BARMM parliamentary election at BSKE election.