Dumating na ng isa sa 18 ex-bodyguard ni dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co na si Johnny Buduan sa Office of the Ombudsman upang humarap sa mga imbestigasyon kaugnay ng kanilang mga alegasyon.
Kasama ni Buduan ang kanilang legal counsel na si Atty. Levito Baligod.
Ayon kay Baligod, bawat isa sa 18 ex-bodyguards ay magsusumite ng kaniya-kaniyang affidavit, alinsunod sa direktiba ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na individual affidavit lamang ang kanilang tatanggapin.
Nauna nang sinabi ni Baligod na handa nang ilahad ng mga dating bodyguard ang lahat ng kanilang nalalaman hinggil sa umano’y pagdadala nila ng mga maleta ng pera sa ilang pulitiko sa utos umano ng kanilang dating amo na si Co.
Aniya, ang naunang joint affidavit na kanilang inihain ay naglalaman lamang ng “initial” na impormasyon, habang ang mga detalye ay ilalabas sa pormal na imbestigasyon ng Ombudsman.
Sinabi rin ni Baligod na ang panayam kay Buduan ang magiging batayan sa pagbuo ng kanyang individual affidavit. | ulat ni Diane Lear