Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng kabuuang 3,019 aftershocks matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao.
Ayon sa PHIVOLCS, nasa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang 6.74 ang lakas ng mga naitalang pagyanig.
Sa bilang na ito, 61 ang naramdaman ng mga residente habang 790 naman ang plotted.
Naitala ang mga datos sa pamamagitan ng General Santos Seismic Station at Don Marcelino Seismic Station sa Davao Occidental. | ulat ni Diane Lear