Nagdeploy ang Philippine Army ng mobile water purification system sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Ito ay upang magbigay ng malinis na tubig sa mga apektadong residente sa Mindanao.
Kabilang sa mga lugar na nahatiran ng malinis na tubig ang General Santos Medical Center at Purok Filomena sa Barangay Calumpang.
Bukod dito, nagsagawa rin ang Humanitarian Assistance Disaster Response teams ng clearing operations sa mga nabarang kalsada upang maibalik ang access sa mga isolated na komunidad sa General Santos City, Sarangani at Davao Occidental.
Samantala, patuloy na tumutulong ang HADR teams ng 603rd Infantry Brigade sa damage assessment at response coordination sa ilang bayan sa Mindanao. | ulat ni Diane Lear
📸 Philippine Army