Kinumpirma ng isang source sa media sa Camp Crame na naaresto si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson dahil sa kasong cyberlibel kaninang hapon.
Batay sa ulat, inaresto si Singson kaninang alas-1 ng hapon ng mga operatiba ng Eastwood/Libis Police Station sa kaniyang tirahan sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.
Ang akusado ay may nakabinbing Warrant of Arrest para sa paglabag sa Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, na inisyu ng Branch 21 Regional Trial Court (RTC), Vigan City.
Ayon sa QCPD agad namang nakapag-piyansa ng P60,000 ang dating gobernador at nakalaya. | ulat ni Diane Lear