Pinadalhan ng subpeona ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga indibidwal na may kaugnayan sa pagkasawi ng dalawang basketball players ng Ateneo De Manila University na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni CIDG Director PMGEN Robert Morico II na mahigit 20 indibidwal ang pinadalhan ng subpeona, kabilang dito ang mga coaching staff, student athlethes, resort owener, ilang kinatawan ng Aurora LGU, at pati ang bus driver na kasama sa umano’y team building.
Ayon kay Morico, ito ay para matukoy kung may kriminal na pananagutan ang mga nabanggit na indibidwal sa pagkamatay ng nina Baterbonia at Adili.
Bukod dito, sinabi ni Morico na nag-isyu na rin ng immigration lookout bulletin order kahapon ang CIDG sa mga persons of interest (POI) para mapigilan na makaalis ng bansa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Hindi aniya baba sa tatlo ang mga POI na mga school authorities.
Inaasahan na haharap ang mga indibidwal na ipina-subpeona sa Lunes sa CIDG.
Tiniyak naman ni Morico na ita-trato ang mga ito nang professional at wala dapat ikatakot lalo na ang mga kabataan. | ulat ni Diane Lear