Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-128 Independence Day ngayong araw na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.
Bahagi ng programa sa pagdiriwang ang seremonya ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal alas-7 ng umaga sa Luneta.
Kasunod nito ay sasaksihan din ni Pangulong Marcos ang nakatakdang Independence Day Parade sa Quirino Grandstand alas-8 naman ng umaga.
Dito ay tampok ang iba’t ibang delegasyon mula sa pamahalaan, militar, at iba pang sektor bilang paggunita sa kasaysayan ng kasarinlan ng Pilipinas.
Sa hapon naman ay pangungunahan ng Pangulo ang Vin d’Honneur sa Ceremonial Hall ng Malacañan Palace alas-5 ng hapon. Ang pagtitipon ay dadaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan at miyembro ng diplomatic corps.
Inaasahang bibigyang-diin ng Pangulo sa mga aktibidad ang kahalagahan ng kalayaan, pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad ng bansa para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino.