Binigyan na ng pahintulot ng Department of Trade and Industry ang ilang mga manufacturers na taas na ang canned sardines sa merkado.
Kasunod na rin ito ng hirit ng mga manufacturers na price increase kasunod ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay DTI Sec. Cristina Roque, kasama sa posibleng tataas ang presyo ay ang ilang branded na canned sardines.
Patuloy naman ang gagawing monitoring ng DTI sa merkado kung tumatalima ito sa itinakdang presyo ng kagawaran sa market. | ulat ni Aj Ignacio