BuCor
Bilang maagang selebrasyon ng Independence Day, nagpalaya ang Bureau of Correction ng 803 na Persons Deprived of Liberty o PDL na nakatapos na ng sintensya, nabigyan ng parola o nasa probationary.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang pagpapalaya ng PDL ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na masiguro na patas at makatao pa rin ang pagtrato sa mga PDL lalo na sa mga matagal nang nakatapos ng sintensya. Ito ay paraan din upang mabawasan ang pagsisiksikan sa mga kulungan.
Sa tala naman ng BuCor ang walong daang PDL na pinalaya ay datos mula noong May 13 hanggang ngayong araw June 11. Peor sa kabuuan umabot na sa 32, 388 ang PDL na napalaya mula ng administrasyong Marcos Jr. lahat naman ito ay nakatanggap ng allowance para sa paguwi sa kanilang pamilya o probinsya. | ulat ni Louisa Erispe