NCRPO
isailalim sa full alert ang National Capital Region Police Office simula mamayang alas-5 ng hapon.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Major Hazel Asilo, para ito sa latag ng seguridad sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan.
Mahigit 8,000 pulis aniya ang ipakakalat sa buong Metro Manila para siguruhin ang mapayapang pagsasagawa ng mga pagtitipon.
Sakop ng nasabil alert status ng security coverage angpangunahing activity areas, kabilang ang Rizal Park, Bonifacio Monument, at Pinaglabanan Memorial Shrine.
Popostehan din ng pulisya ang mga transportation hub at pangunahing lansangan.
Activated na rin, sabi ni Asilo, ang command and control systems at emergency response assets para sa mas mabilis na deployment kung kinakailangan. | ulat ni Aj Ignacio