Inaabangan na ng House prosecution panel ang ilalantad na ebidensya at testigo mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte bago ang nalalapit na impeachment trial sa Senado.
Ayon kay House lead prosecutor Batangas Representative Gerville Luistro, dalawang taon na nilang hinihintay ang testigo o ebidensya na magpapatunay na walang basehan ang mga alegasyon laban kay VP Sara Duterte.
Maaalalang dalawang beses nang naharap si Duterte sa impeachment sa House dahil sa alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds, unexplained wealth, bribery, at grave threats.
Sa nakatakdang pre-trial conference sa June 18, magkakaroon ng pagkakataon ang parehong panig na iprisinta ang kanilang ebidensya at ihanda ang kaso.
Itinakda ng Senado ang June 15 bilang deadline sa paghahain ng pre-trial brief na ayon sa mambabatas na lahat ng testigo at ebidensya ay dapat ihain bago magsimula ang paglilitis.#