Naniniwala si House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na dapat agad maresolba ang mga internal na isyu sa Senado upang masiguro ang kredibilidad ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Layon din nito na maiwasan ang kalituhan sa publiko.
Binigyang diin ni Adiong na iginagalang ng House prosecution panel ang kapangyarihan ng Senado na ayusin ang sarili nitong internal affairs, ngunit iginiit niya na hindi dapat hayaang pahinain ng ano mang hindi pagkakaunawaan ang tiwala ng publiko sa proseso ng impeachment.
Diin ni Adiong, dapat may isang credible na otoridad sa impeachment court.
Ayon sa kanya, ang sitwasyon sa ngayon sa Mataas na Kapulungan ay nangangailangan ng statesmanship mula sa mga senador na magiging hukom sa impeachment proceedings.
Ayon sa Mindanao solon, ang kanilang panawagan ay hindi lamang isulong ang agarang paglilitis bagkus para pairalin ang statesmanship.#