Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng school supplies kabilang na ang tablet sa mga mag-aaral sa Pinaglabanan Elementary School sa San Juan City.
Sa talumpati ng pangulo ay kinilala nito ang papel ng mga guro na aniya’y pag-asa ng Pilipinas bilang tagahubog sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.
Pagtiyak ng pangulo, magpapatuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga guro na aniya’y susi sa pagkakaroon ng maayos na sistema ng edukasyon.
Sa gitna nito’y nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga guro sa suportang ibinibigay ng administrasyon hindi lamang para makasabay sa takbo ng panahon ang paraan ng kanilang pagtuturo.
Kinikilala din aniya nila ang pagsisikap ng administrasyon na mapataas ang kalidad ng kanilang pamumuhay at sa harap ito ng pangako ng presidente na walang guro na magreretiro bilang Teacher 1.