Iniimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang posibleng pagkakasangkot ng mga miyembro ng electoral board sa pagkaka-intercept ng 16,000 pre-shaded ballots sa Maluso, Basilan.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, lumalabas sa mga nakalap na impormasyon na maaaring ang mismong mga tauhan ng electoral board ang nagdala ng mga kwestiyonableng dokumento.
“Parang gustong sabihin na yung mga electoral board na ‘to ang maaring responsible,” pahayag ni Garcia.
Gayunpaman, nilinaw ng punong opisyal na hindi pa nila direktang pinagbabasehan na sila na nga ang may kagagawan nito.
“Di natin sinasabing sila na… Ganunpaman, ang ginawa namin ngayon, nag-issue kami ng panibagong subpoena doon sa mga electoral boards na tinuturo,” dagdag pa niya.
Dahil sa pagkakatuklas ng mga pre-shaded ballot na ito, napilitang ipagpaliban sa Setyembre 15 ang halalan para sa parliyamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa nasabing lugar.