DOE, puspusan na ang pagkilos upang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa Mindanao
Puspusan na ang isinasagawang pagsasa-ayos ng Department of Energy at iba pang ahensiya sa ilalim ng kagawaran upang maibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa Mindanao matapos ang magnitude 7.8 na lindol.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, inaasahang maibabalik na sa normal ang suplay ng kuryente ngayong linggo upang tuluyan nang maalis ang yellow alert status sa Mindanao Grid.
Dagdag pa ng kalihim, kung ikukumpara sa nangyaring lindol sa Cebu, mas mabilis na ang pagtugon ng pamahalaan sa nangyaring pagyanig sa Mindanao dahil mas organisado na ang sistema nito sa pagresponde sa mga sakuna.