Photo courtesy of IBC
Mas mabilis nang makaka-aksiyon at makare-responde ang Police Regional Office 3 bunsod ng pag-turnover ng 48 na motorsiklo sa kanilang himpilan.
Ito ang naging pahayag ni PRO3 Regional Director Police Brigadier Gen. Jess Mendez kung saan iginiit nito na mas mabilis nang makararating saan mang lugar sa Central Luzon ang pulisya dahil sa bagong mobility na ito.
Sa tulong nito ay mas magiging maagap din ang tugon sa mga sumbong, hinaing at paghingi ng tulong gamit ang 911 hotline.
Tiniyak din ni Mendez na hindi maaabuso ang mga nasabing motorcycle units at gagamitin din ito sa emergency response sa panahon ng sakuna at pangangailangan ng publiko.