Tiniyak ni First Lady Liza Araneta Marcos na hindi titigil ang pamahalaan sa paghahatid ng kinakailangang tulong para sa bawat Pilipino.
Isa ito sa mga naging laman ng mensahe ng unang ginang kasabay ng patuloy na paggulong ng Mula sa Puso para sa Pamilya program kung saan ipinamamahagi ang bigas at iba pang tulong.
Ani First Lady Liza, batid ng pamahalaan ang paghihirap ng mga Pilipino lalo na ang mga kumakayod magkaroon lang ng pagkaing maihahain sa kanilang pamilya.
Dagdag pa ng unang ginang, na ang pinaiiral na Rice Distribution program ay bilang munting tulong upang kahit paano ay maibsan ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Ilan nga sa mga nakinabang sa inisyatiba ni First Lady Liza Araneta Marcos ay ang nasa 1,000 tricycle at jeepney drivers nitong September 29, araw ng Martes.