Kinumpirma ni Executive Secretary Ralph Recto na pinalawig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment nina Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon at Department of Transportation Sec. Giovanni Lopez.
Ayon kay Recto nakatakdang isumite ng Pangulo sa Commission on Appointments (CA) ang extended Cabinet appointments ng dalawang kalihim sa tamang panahon.
Matatandaang ang DPWH at DOTr ay ilan lang sa mga key departments na tinututukan ngayon ng pamahalaan upang maisakatuparan ang mga big ticket projects nito sa imprastraktura at transportasyon.
Mababatid din na una nang naging isyu ang pagtatapos ng appointment period ni Sec. Dizon na naungkat sa isa sa mga pagdinig ng Senado.