Pinadali pa ng Bureau of Internal Revenue ang pag-avail ng qualified micro taxpayers sa One-Time Abatement Program.
Kasunod ito ng pag-update sa Offline eBIRForms Package na may bagong ATC codes para sa individual at corporate micro taxpayers, pati dedicated Tax Type Code para sa Micro Taxpayer Abatement sa BIR Form 0605.
Kasama rin sa bagong eBIRForms package ang ilang system corrections sa piling BIR forms.
Iniaalok ang One-Time Abatement Program para makatulong sa micro taxpayers na maresolba ang matagal nang tax liabilities at makabalik sa compliance.
Sa ilalim ng programa, maaaring mag-avail ang qualified micro taxpayers na may covered basic tax liabilities at penalties na hindi lalampas sa P80,000 kada taxable year, sa pamamagitan ng pagbabayad ng P5,000 abatement fee kada taon.
Maaaring ma-avail ang one time abatement program hanggang December 31, 2026.