Titiiyakin ng Philippine National Police ang seguridad sa Cebu para sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) 2026 sa October 28 hanggang 31.
Aabot sa 3,670 tauhan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang ipakakalat para sa seguridad at emergency operations.
Kabilang sa mga hakbang ang security inspections, intelligence monitoring, traffic management at paghahanda sa mga emergency.
Itinaas na ng Police Regional Office 7 ang alert status sa heightened alert kahit walang namo-monitor na banta.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., saklaw ng seguridad ang conference venue, tinutuluyan ng mga delegado, convoy routes at mahahalagang lugar sa Cebu City.
Mananatili ang police deployment hanggang November 1 upang matiyak ang kaligtasan ng mga delegado hanggang sa kanilang pag-alis.