Hawak na ngayon ng Police Regional Office 8 ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sangkot din kasong panggagahasa sa Northern Samar.
Kinilala ni PRO8 Director, PBGen. Romano Cardiño ang CTG member sa alyas na “Carlo”, 27 anyos at nangungunang most wanted person sa municipal at provincial level.
Ayon kay Cardiño, naaresto ang suspek sa Brgy. San Isidro, Las Navas sa bisa ng warrant of arrest dahil sa 2 kaso ng rape at walang inirekomendang piyansa para rito.
Tiniyak naman ni Cardiño ang puspusan nilang pagtugis sa mga pinaghahanap ng batas upang maihatid ang hustisya at mapamatili ang kaayusan gayundin ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.