Inanunsyo ni Albay Governor Noel Rosal ang paunang alokasyong limang milyong piso para sa pagpapalawak ng Emergency Room o ER ng Dr. Lorenzo P. Ziga Memorial District Hospital.
Ayon sa Albay Provincial Information Office, layunin ng proyekto na mapabilis ang rehabilitasyon at mapahusay ang pasilidad ng ospital upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.
Binigyang-diin din ni Rosal na bukod sa maayos na pasilidad, mahalaga ang pagpapakita ng propesyonalismo sa pagtanggap at pag-asikaso sa mga pasyente.
Kinilala rin ng gobernador ang kakulangan sa tauhan ng ospital na nangangailangan ng karagdagang pondo upang mapalakas ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan.
Bahagi aniya ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na mapabuti ang mga pasilidad at serbisyo ng mga pampublikong ospital para sa mga Albayano.
📸 Albay Provincial Information